For the latest update of the places of worship service abroad, kindly visit iglesianicristoworshipservice.com.

You can also visit incmedia.org

MY BLOG: www.readmeiglesianicristo.blogspot.com

THE INFORMATION HERE CAME FROM PASUGO MARCH 2010. I changed the blog's theme and i hope i can have time to update the addresses of locales abroad. Ive also changed the links here for better finding of locales abroad.

WELCOME TO THE NEW IGLESIA NI CRISTO DIRECTORY!


For countries that are not listed in Pasugo Issues.

Reminder


Para sa lahat ng kapatid na naghahanap ng pagsamba sa Middle East, abroad at sa mga bansang wala pang mga lokal...


Ang pinaka-pinaka importanteng gawin:

1. Pag isipang mabuti kung makakabuti ba talaga sa inyo ang pag-aabroad. Alamin kung ang bansang pupuntahan ay may lokal ng INC. Alamin din kung safe ba ang mga bansang pupuntahan, lalo na sa middle east o muslim countries, pati sa china at sa iba pang bansa na inuusig ang mga Kristyano.

2. Kung napag-isipan ng mabuti at gustong malaman ang mga pagsamba sa middle east at iba pang bansa na walang nakalagay sa Pasugo Magazine ukol sa schedules, habang nasa Pilipinas pa, pumunta sa Central, sa foreign department para malaman ang buong detalye. Mahalaga po ito, wag tayong umasa sa internet dahil hindi naman ipinapaskil sa internet ng INC ang mga iyon.

3. Pag nasa abroad na kayo upang magbakasyon, magtrabaho o kung ano pa man, lalot alam nyong magtatagal kayo, ang pinaka importante ay siguraduhin nyong MAKAKADALO KAYO NG MGA PAGSAMBA. Wag nyong ipagpalit sa trabaho o sa pera ang pinaghirapan nyo para maging INC, lalot kung ilang taon na kayo sa Iglesia. Pag naghukom na, hindi naman natin maipapapalit ang mga naipon natin o ipambayad para sa Kaligtasan, alam nating lahat yan.


PAALALA: May isang kapatid na nasa Middle East ang nakapagsabi na hindi pwedeng ipost ang mga pagsamba sa middle east for safety and security reasons. Kaya siguro hindi ito nakalagay sa Pasugo, alam naman natin na sobra ang pag uusig ng mga Muslim sa mga Kristyano at ang Kristyano naman abroad ay inuusig ang INC dahil sa pagkakaibang paniniwala.


Paano pag ang bansang pupuntahan ay wala pang lokal ng INC?

Ang ginawa ng mga kapatid noong una, kaya nagkaroon ng mga lokal abroad ay dahil sa kanilang mga effort, ang paggawa ng GWS o GROUP WORSHIP SERVICE. Ito yung nagtitipon tipon ang mga kapatid sa lugar na wala pang lokal para sa weekly prayer meeting. Pag dumami na kayo, pwede kayong sumulat sa pamamahala para magrequest ng video tapes ng mga pagsamba upang ipadala sa inyo. Pwede ring padalhan kayo ng ministro o manggagawa para pangunahan kayo sa inyong mga pagsamba. Pag lumago pa lalo ang bilang nyo, pwede ng gawing LOKAL ang GWS, maghahanap kayo ng property na pwedeng pagtayuan ng kapilya o rentahan, o bilhin para sa mga pagsamba...

MIDDLE EAST (forum)